Mga Ligtas sa Lead na Renovation para sa mga Mahilig sa DIY
Ano ang lead? Sa tagalog, ito ay "tingga", ngunit dito gagamitin natin ang salitang ingles na "lead."
May kaugnayan na impormasyon sa Ingles
Anumang renovation, repair, o painting (RRP) na proyekto sa isang bahay na ginawa bago ang taong 1978 na may lead based na pintura ay madaling nakakalikha ng mapanganib na alikabok na may lead. Kung plano mo ang isang RRP na proyekto para sa isang bahay na ginawa bago ang taong 1978, inirerekumenda ng EPA sa mga may-ari ng bahay na kumuha ng isang lead-safe certified contractor (sa Ingles) na may sertipiko at sanay sa mga ligtas sa lead na mga paraan ng pagtatrabaho, na nangangahulugan na isang grupo ng mga pamamaraan na iniiwasan ang pagkakalantad sa lead na resulta ng mga aktibidad ng renovation at pag-aayos. At sa katotohanan, ayon sa tuntunin ng RRP na hinihiling mula sa mga contractor na gumagawa ng mga RRP na proyekto sa mga bahay na ginawa bago ang taong 1978, mga pasilidad para sa pag-aalaga ng bata, at mga pre-school, dapat na may sertipiko na ligtas sa lead ang mga ito (sa Ingles).
Karaniwan, hindi ginagamit ang tuntunin ng RRP sa mga may-ari ng bahay na may mga proyekto na RRP sa sarili nilang mga tirahan. Gayunman, ito ay ginagamit kung ipaupa mo ang kabuuan o isang parte ng iyong tirahan, may child care center sa iyong tirahan, o kung ikaw ay bumibili, nagre-renovate o nagbebenta ng mga bahay para kumita (hal. isang house flipper). Kung magpasya kang gawin mag-isa ang trabaho, tiyakin na gumamit ng mga ligtas sa lead na mga pamamalakad sa trabaho para sa do-it-yourself (DIY) na mga renovation sa bahay para maprotektahan ka at ang iyong pamilya.
Maaari mong iwasan ang mga mapapanganib na alikabok na may lead mula sa pagkalat sa kabuuan ng iyong bahay sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamamaraan ng pagtatrabaho na ligtas sa lead na DIY:
- Alamin kung may lead based na pintura;
- Ligtas na I-setup;
- Protektahan ang iyong sarili;
- Pakontiin ang alikabok;
- Iwanang malinis ang lugar kung saan ka nagtrabaho;
- Kontrolin ang iyong basura; at
- Linisin ng isa pang beses;
Ang mga pamamalakad na ito ay maaaring kailangan lang ng kaunting oras at pera pero hindi kinakailangan para maprotektahan ang mga miyembro ng pamilya, lalo na sa mga bata, mula sa pagkakalantad sa alikabok na may lead. Kapag wastong nagamit, ang mga pamamalakad na ito ay makakaiwas sa pagkakalantad sa lead habang at pagkatapos ng renovation ng bahay.
Alamin Kung may Lead based na Pintura
Bago magsimula sa isang RRP na proyekto sa iyong bahay, kailangan mong alamin ang tao kung kailan ito ginawa at kung maaaring isang isyu ang lead based na pintura. Kung ang inyong bahay ay ginawa bago ang taong 1978, maaaring may lead based ito na pintura; mas luma ang inyong bahay, mas marahil na may lead based itong pintura. Inirerekumenda ng EPA na kumiha ng certified lead inspector o lead risk assessor para suriin ang iyong bahay at malaman kung ang mga ibabaw ng nire-renovate mo ay may lead based na pintura.
Kung hindi mo matiyak ang edad ng iyong bahay, pinakaligtas na ipagpalagay ang area na iyong nire-renovate ay may lead based na pintura at gumagamit ng DIY na ligtas mula sa lead na mga pamamalakad sa pagtatrabaho na inilalarawan sa ibaba.
Ligtas na I-setup
Kapag may DIY na trabaho na kinabibilangan ng lead based na pintura, kailangan mong ihiwalay ang lugar kung saan nagtatrabaho para maiwasan ang mga alikabok at dumi na kumalat sa iba pang parte ng iyong bahay. Ang layunin ng setup sa lugar kung saan ka nagtatrabaho ay para mapanatili ang alikabok sa loob ng iyong lugar na pinagtatrabahuhan at mapanatiling malayo ang mga miyembro ng pamilya at sinuman na di nagtatrabaho sa iyong DIY na trabaho mula sa lugar kung saan ka nagtatrabaho. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng paglalagay ng mga karatula ng babala at paglalagay ng mga hadlang sa palibot ng lugar kung saan nagtatrabaho.
Para ligtas na makapag-setup, tiyakin na:
- Alisin ang lahat ng mga furniture, mga karpet sa area, mga kurtina, pagkain, pananamit, at iba pang mga gamit sa loob ng bahay mula sa lugar ng trabaho.
- Mahigpit na balutan gamit ang plastic na sheeting at selyuhan gamit ang tape ang mga gamit na hindi maaalis mula sa lugar kung saan nagtatrabaho.
- Takpan ang mga sahig gamit ang plastic na sheeting.
- Isara at selyuhan ang lahat ng mga pinto sa lugar kung saan nagtatrabaho.
- Kung kinakailangan, gumawa ng airlock sa pasukan ng lugar kung saan nagtatrabaho.
- Ang airlock ay kinabibilangan ng dalawang sheet ng makapal na plastic. Ang isang sheet ay ganap na may tape sa palibot ng apat na gilid. Ang plastic na sheet ay hinahati sa gitna. Ang ikalawang sheet ay nilalagyan lang ng tape sa may itaas at kumikilos bilang isang flap na tumatakip sa slit sa unang sheet ng plastic.
- I-off ang forced air heating at mga air conditioning system. Tapos, takpan ang mga vent gamit ang plastic sheeting at lagyan ng tape para makabit ito.
- Isara ang lahat ng mga bintana sa lugar kung saan ka nagtatrabaho.
Protektahan ang Iyong Sarili
Kung walang suot na wastong personal protective equipment, maaari kang makalunok o makalanghap ng alikabok na may lead sanhi ng iyong DIY na renovation sa bahay at maaaring maisapanganib ang pagdadala ng lead mula sa lugar kung saan ka nagtatrabaho papasok sa iyong bahay. Para protektahan ang iyong sarili at ang iyong pamilya, ikonsidera ang pagsuot ng:
- Isang disposable na N-100 certified respirator;
- Mga disposable na coverall para malimitahan ang kontaminasyon ng iyong damit;
- Painters hat para protektahan ang iyong ulo mula sa alikabok at mga dumi;
- Disposable na mga pantakip sa sapatos para maiwasan ang pagtatangay ng alikabok sa lugar kung saan nagtatrabaho at protektahan ang iyong mga sapatos mula sa pagkakalantad sa alikabok; at
- Proteksyon sa mata at guwantes.
Kailangan mong hugasan ang iyong mga kamay at mukha tuwing ikaw ay humihinto sa pagtatrabaho at labhan ng hiwalay ang iyong mga damit sa trabaho ng hiwalay mula sa labahin ng mga miyembro ng iyong pamilya. Huwag kumain, uminom, o manigarilyo sa lugar ng trabaho dahil maaaring makontamina ng mga alikabok at debris ang pagkain at iba pan gmga item na maaaring maging sanhi ng pagkain mo ng mapeligrong alikabok na may lead.
Pakontiin ang Alikabok
Habang iyong kinukudkod, binabarena, binubuksan ang mga pader, inaalis ang trim, sinisira, o may iba pang mga uri ng aktibidad na ginagawa, ikaw ay gagawa ng alikabok na maaaaring may laman na lead. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga wastong tools at pagsunod sa mga simpleng pamamalakad, maaari mong mapakaunti at makontrol ang alikabok habang ikaw ay nagtatrabaho. Tiyakin na sarado ang lugar kung saan ka nagtatrabaho mula sa ibang parte ng iyong bahay.
Ang mga sumusunod na item ay makakatulong sa iyong mapakaunti ang alikabok at available sa mga supplier ng tindahan ng hardware, pintura, mga garden supply, o iba pang mga specialty supplier:
- Ang wet-dry sandpaper (panliha) at/o sandling sponge;
- Mag-spray ng mister o pump sprayer sa mga area bago ito lihain, kudkurin, barenahin, at putulin para mapanatiling kaunti ang malilikhang alikabok;
- Mabigat na plastic sheeting;
- Utility knife o scissors;
- Masking tape, duct tape, o painters’ tape;
- High Efficiency Particulate Air (HEPA) vacuum cleaner;
- Heavy duty plastic bags;
- Tack pads (malalaki at madidikit na pads na nakakatulong na maalis ang alikabok), paper towels, o disposable wipes;
- Low-temperature heat gun (mas mababa sa 1,100 degrees Fahrenheit) para maalis ang pintura o iba pang mga coating sa surface;
- Ang mga chemecal stripper ay nakakatulong na mahiwa-hiwalay at ipalabas ang pintura ng hindi pinapainit ng sobra ang surface o nagdudulot ng mga lumilipad na paint chips at alikabok (ang ilang mga chemical stripper ay may mga mapepeligrong subtance kaya’t dapat mo parating sundin ang mga instruksyon ng manufacturer hinggil sa ligtas na paggamit at pangangasiwa sa mga produktong ito); at
- Power tools na may HEPA filter na vacuum attachment para malimitahan ang pagkalat ng alikabok na dulot ng paggamit ng tools na ito.
Iwanang Malinis ang lugar kung saan ka Nagtrabaho
Ang lugar kung saan ka nagtatrabaho ay dapat panatilihin na malinis sa bawat pagtatapos ng araw. Sa pagwawakas ng iyong DIY na proyekto, kailangang linisin mo ang iyong lugar ng trabaho hangga’t wala nang alikabok, mga dumi o natitirang labi. Ang pananatiling malinis ng lugar ng trabaho ay makakatulong na mapakaunti ang alikabok at maprotektahan ka at ang iyong pamilya. Ang karamihan sa mga supply na nakalista sa seksyon sa itaas ay hindi lamang nakakatulong sa pagpapakaunti ng alikabok pero magagamit rin kapag nililinis ang iyong lugar ng trabaho. Dagdag pa sa mga material na ito, dapat mo rin ikonsidera ang paggamit ng iba pang mga supply para makatulong sa paglilinis, kasama na ang:
- Heavy duty plastic bags;
- Disposable wet-cleaning wipes o hand towels;
- All-purpose cleaners;
- Mop at disposable mop heads;
- Dalawang timba (o isang two sided na timba na may ringer);
- Pala at kalaykay;
- Wet mopping system; at
- Electrostatically na pinapaganang dry cleaning cloths.
Panatilihin na malinis ang lugar ng trabaho sa pamamagitan ng paglalagay ng basura sa mga heavy duty plastic bag habang ikaw ay gumagawa, i-vacuum ang lugar ng trabaho gamit ang HEPA vacuum cleaner ng madalas, linisin araw-araw ang mga tools, hugasan ang iyong mga kamay at mukha tuwing ikaw ay nagpapahinga at sa katapusan ng araw, itapon o linisin ang iyong personal protective equipment at siguraduhin na malayo ang mga di kasali sa trabaho sa lugar ng trabaho.
Kontrolin ang Iyong Basura
Ang basura na galing sa iyong DIY na mga renovation sa bahay ay dapat kolektahin at makontrol para maiwasan ang pagpapalabas ng alikabok at mga debris bago ito matanggal para itapon. Kabilang dito ang mga alikabok, labi, mga paint chip, protective sheeting, mga HEPA filter, maruruming tubig, mga tela, mop head, wipers, protective clothing, mga respirator, guwantes, mga architectural component, at iba pang mga labing gamit. Gumamit ng heavy plastic sheeting o bag para kolektahin ang iyong dumi at iselyo ang lahat sa tamang paraan gamit ang duct tape at ikonsidera rin ang paglalagay sa dobleng bag para maiwasan ang pagkakapunit nito.
Dahil ikinokonsidera ng EPA ang karamihang mga residential renovation at remodeling bilang “regular na maintenance ng tirahan”, ang karamihan sa mga kalat na nalilikha sa mga aktibiadd na ito ay nauuri bilang solid, non-hazardous waste, at dapat na dalhin sa isang may lisensyang solid waste landfill. Gayunman, parating tingnan ang lokal at pang-estado na waste disposal na requirement bago itapon ang dumi o kalat ng renovation.
Linisin ng Isa Pang Beses
Pagkatapos na makumpleto ang iyong DIY home renovation project, at bago pabalikin muli ang iyong pamilya sa lugar ng trabaho ay dapat mong gawin ang mga sumusunod:
- I-mop ang mga sahig na walang karpet ng husto;
- Linisin ang mga pader gamit ang HEPA vacuum o mamasa-masang basahan;
- Mainam na i-vacuum ang lahat ng mga natitirang surface at gamit, kasama na ang furniture at mga nakakabit na gamit, gamit ang HEPA vacuum; at
- Tapos ay punasan ang lahat ng mga surface gamit ang basang disposable cleaning cloths hanggat malinis na ang lumabas sa cloth.
Maaari ka rin kumuha ng certified lead dust sampling technician, lead based paint inspector, o lead based paint risk assessor para magsagawa ng clearance testing para makumpirma na malinis ang lugar ng trabaho.
Para sa mas detalyadong impormasyon sa wikang Ingles kung paano ligtas na marenovate ang iyong bahay na tinayo bago ang 1978, balikan ang Steps to LEAD Safe Renovation, Repair and Painting (Mga Hakbang para sa Ligtas sa LEAD na Renovation, Pag-aayos at Pagpipintura) (PDF sa Ingles)
Bilang paalala, ang mga DIY project ay mabilis na makakalikha ng mapapanganib na alikabok ng lead, kaya't inirerekumenda ng EPA sa mga may-ari ng tirahan na kumuha ng ligtas sa lead na mga certified contractor para sa lahat ng mga RRP na proyekto sa mga tahanan na tinayo bago ang 1978. Kung magpasya kang kumuha ng contractor para magtrabaho sa iyong bahay na tinayo bago ang 1978, ang tuntunin ng RRP ay hinihiling mula sa kanila na magkaroon ng sertipiko na ligtas sa lead. Tiyakin na tanungin sa mga contractor kung sila ay may sertipiko na ligtas sa lead o gumagamit ng search tool ng EPA para makahanap ng mga contractor na may sertipiko na ligtas sa lead sa iyong area sa Ingles.