Mga Wildfire at Kalidad ng Hangin sa Loob ng Bahay o Indoor Air Quality (IAQ)
(Kaugnay na Impormasyon sa Tagalog)
Maging Handang Lumikas
- Alamin kung paano ka makakakuha ng mga emergency alert at mga babalang pangkalusugan.
- Alamin ang iyong mga daraan sa paglikas.
- Magtipon ng mga emergency supply, kabilang na ang mga N95 respirator mask.
- Magkaroon ng kahit pang-5-araw man lang na supply ng pagkain at gamot.
- Itanong sa iyong healthcare provider kung ano ang gagawin kung mayroon kang sakit sa puso o baga. Kung mayroon kang hika, tiyakin na mayroon kang asthma action plan.
- Alamin kung paano mo makakausap ang iyong pamilya o iba pang mga kasama mo sa bahay.
Kapag may wildfire, maaaring makasama sa kalusugan ang paglanghap ng hangin sa labas ng bahay dahil sa usok. Maaaring payuhan ka ng mga lokal na opisyal na manatili sa loob ng bahay habang may usok. Dapat mong malaman na maaaring makapasok sa bahay mo ang kaunting usok mula sa labas at makasama rin sa kalusugan ang paglanghap ng hangin sa loob ng bahay.
Kung malapit ka sa wildfire, maaaring manganib kaagad ang iyong kaligtasan at kalusugan sa apoy mismo, gayundin sa sobrang usok at abo. Dapat kayong maging handa ng iyong pamilya na lumikas kaagad kapag sinabihan kayong lumikas. Kung mas malayo ka sa wildfire, maaari kang malantad sa usok kahit malayo ang sunog mismo.
Ang usok ay binubuo ng masalimuot na halu-halong gas at mga pinong particle na nalikha kapag nasusunog ang kahoy at iba pang mga organikong materyal. Ang pinakamalaking banta sa kalusugan ay mula sa mga pinong particle. Ang napakaliliit na particle na ito ay maaaring pumasok sa mga mata at respiratory system mo – nasa labas ka man o nasa loob ng bahay, kung saan maaaring magsanhi ang mga ito ng mga problema sa kalusugan tulad ng pag-iinit ng mga mata, tumutulong sipon, at mga karamdaman tulad ng bronchitis. Ang mga pinong particle ay maaari ding magpalubha sa hindi-gumagaling na mga sakit sa puso at baga - at nauugnay pa sa maagang pagkamatay ng mga taong may ganitong mga kundisyon.
Kung ikaw ay malusog, karaniwa’y malayo kang manganib nang husto sa panandaliang mga pagkalantad sa usok. Gayunpaman, magandang ideya ang iwasang malanghap ang usok – kapwa sa labas at sa loob ng bahay – kung mapipigilan mo iyon. Alamin ang iba pa tungkol sa mga epekto sa kalusugan ng usok ng wildfire.(Sa Tagalog)
Ang pahinang ito ay nagbibigay ng makakatulong na impormasyon para mabawasan ang pagkalantad mo sa usok ng wildfire sa loob ng bahay mo.
Sa pahinang ito:
- Paano Naaapektuhan ng Usok ng Wildfire ang Kalidad ng Hangin sa Loob ng Bahay?
- Ano ang Magagawa Ko Ngayon para Protektahan ang Pamilya Ko mula sa Usok ng Wildfire?
- Ano ang Magagawa Ko Kapag May Mausok na Wildfire para Mabawasan ang Pagkalantad ng Pamilya Ko sa Usok sa Loob ng Bahay?
- Ano ang Magagawa Ko Pagkatapos ng Isang Mausok na Wildfire para Protektahan ang Pamilya Ko mula sa Abo sa Loob ng Bahay?
- Karagdagang Resources
Sa iba pang mga pahina:
- Maghanda ng Malinis na Silid para Maprotektahan ang IAQ Kapag May Wildfire
- Mga Wildfire at Kalidad ng Hangin sa Loob ng mga Paaralan at Gusaling Pangkalakalan
Paano Naaapektuhan ng Usok ng Wildfire ang Kalidad ng Hangin sa Loob ng Bahay?
Mga paraan na makakapasok sa bahay ang hangin sa labas
Ang hangin sa labas, pati na ang mga pinong particle mula sa usok ng wildfire, ay makakapasok sa loob ng bahay mo sa ilang paraan:
- sa nakabukas na mga bintana at pinto, na tinatawag na natural ventilation.
- sa pamamagitan ng mga device para sa mechanical ventilation tulad ng mga fan sa banyo o kusina na palabas ang hangin, o heating, ventilation at mga air conditioning (HVAC) system na humihigop ng sariwang hangin.
- sa pamamagitan ng maliliit na siwang, dugtungan, bitak, at sa paligid ng mga saradong bintana at pinto sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na infiltration.
Ang usok ng wildfire ay maaaring makaapekto sa kalidad ng hangin sa loob ng bahay mo o indoor air quality (IAQ) sa ibang paraan depende sa lapit ng apoy at kapal ng usok. Narito ang ilang sitwasyon na maaari mong maranasan at mga hakbang na maaari mong gawin sa bawat sitwasyon:
Malaking sunog na malapit sa mga gusali sa Los Angeles, CA
Kung may malaking sunog sa inyong lugar at napakalapit nito sa bahay mo:
Makabubuti sigurong lumikas ka na. Maaaring kumalat nang mabilis ang apoy at maaaring mahirap makakita kapag mausok sa isang paglikas. Dagdag pa riyan, maaaring halos imposible nang pigilang kumapal ang usok sa hangin sa loob ng bahay. Pansining mabuti ang mga lokal na emergency alert para malaman kung kailan lilikas.
Mataas na antas ng usok mula sa malayong wildfire sa San Francisco, CA
Kung may malaking sunog na sapat ang lapit para magsanhing tumaas ang mga antas ng usok, ngunit hindi banta ang sunog sa bahay mo:
Maaaring pumasok ang usok sa bahay mo, kaya mas mahirap huminga. Alamin ang iba pa kung ano ang gagawin sa ganitong sitwasyon at kung paano maghahanda para dito. Kung may malaking sunog sa inyong lugar, sundan ang inyong mga lokal na balita, ang AirNow website ng EPA, o ang website ng kalidad ng hangin sa inyong estado para sa napapanahong impormasyon.
Usok ng Wildfire na tumatawid sa US sa jet stream. Ang malalaking sunog sa lugar ay nakaguhit ng pula. Image credit: NASA:
Maaaring mabalitaan mo na ang usok mula sa isang wildfire sa malayo ay kumalat na sa inyong komunidad, kahit na libu-libong milya ang layo nito.
Bagama’t maaari itong mangyari, ang dami ng usok na maaaring umabot sa inyong komunidad mula sa layong iyon ay malamang na kakaunti, at maaaring matakpan ng mga lokal na pinagmumulan ng particle pollution. Sa sitwasyong ito, maaari mong subaybayan ang inyong lokal na kalidad ng hangin sa labas sa AirNow.gov at pamahalaan ang kalidad ng hangin sa loob ng bahaymo gaya ng karaniwan mong gagawin.
Ano ang Magagawa Ko Ngayon para Protektahan ang Pamilya Ko mula sa Usok ng Wildfire?
Kung nakatira ka sa isang lugar kung saan mataas ang panganib sa wildfire, gumawa ng mga hakbang ngayon para mapaghandaan ang panahon ng sunog. Ang pagiging handa para sa panahon ng sunog ay lalong mahalaga para sa kalusugan ng mga bata, matatanda, at mga taong may sakit sa puso o baga. Ang fact sheet ng Paghahanda para sa Panahon ng Sunog ay inilalarawan ang mahahalagang hakbang na dapat mong gawin para matiyak na handa kang protektahan ang kalusugan ng iyong pamilya kung sakaling magkaroon ng wildfire. Ang Paano Maghahanda para sa Wildfire ng FEMA ay nagbibigay ng karagdagang detalye kung paano protektahan ang iyong sarili at ang ari-arian mo.
Isiping bumili ng portable air cleaner o high-efficiency HVAC Filter
Maaari kang magpasyang bumili ng portable air cleaner o high-efficiency HVAC system filter bilang bahagi ng iyong paghahanda upang makatulong na mapaganda ang kalidad ng hangin sa loob ng bahay mo kapag mausok ang wildfire.
Kung magpasya kang bumili ng portable air cleaner, pumili ng kakasya sa silid kung saan mo ito gagamitin. Tiyakin na ang portable air cleaner ay hindi lumilikha ng ozone.
Infographic ng DIY Air Cleaner para Mabawasan ang Usok ng Wildfire sa Loob ng Bahay (pdf) (pptx)
Kung hindi available o abot-kaya ang mga portable air cleaner, maaari mong piliing gumamit ng do-it-yourself (DIY) air cleaner. Ang mga DIY air cleaner ay ginawa sa pamamagitan ng paglalagay ng isang furnace filter sa isang box fan na may tape, mga bracket, o isang bungee cord, at maaaring magsilbing pansamantalang alternatibo sa mga komersyal na air cleaner. Sa oras na ito, may limitadong datos na available kung gaano kahusay magsala ng mga particle ng usok ang mga DIY air cleaner filter. Hindi inirerekomenda ng EPA ang nakagawiang paggamit ng mga DIY air cleaner bilang permanenteng alternatibo sa mga produktong kilala ang kahusayan (tulad ng available na mabibiling mga portable air cleaner).
Mga Tip - Kung Pipiliin Mong Gumamit ng DIY Air Cleaner
Maraming paraan para magbuo ng isang DIY air cleaner. Ang ilang karaniwang disenyo ay inilalapat ang isang filter sa fan, may dalawang filter na nakateyp sa karton para makabuo ng isang tatsulok sa tapat ng fan, o mas marami pang filter na nakateyp sa tapat ng fan para makabuo ng isang cube. Nag-post ang Washington Department of Ecology at Confederated Tribes of the Colville Reservation ng mga tutorial video para tulungan ang mga gagamit sa paggawa ng mga DIY air cleaner: one-filter design at two-filter design.
Para ma-maximize ang filtration, pumili ng isang high-efficiency filter, mas mabuti ang may rating na Minimum Efficiency Reporting Value (MERV) 13 o mas mataas pa, at nakaayon ang mga arrow sa filter sa direksyon ng hangin papasok sa fan. Sikaping mailapat nang husto ang fan sa filter.
Kung gagamit ka ng DIY air cleaner, sundin ang mga tip na ito para maging ligtas:
- Gumamit ng mas bagong modelong box fan (2012 o mas bago pa) at hanapin ang may tatak na UL o ETL. Ang mga mas bagong modelong ito ay may karagdagang safety features. Ang mga fan na gawa bago nag-2012 ay maaaring maging sanhi ng sunog. Kung kailangan mong gamitin ang mga fan na binuo bago nag-2012, huwag itong iwanan o gamitin habang natutulog.
- Sundin ang mga tagubilin ng manufacturer ng box fan, na maaaring kabilangan ng: huwag iwanang mag-isa ang mga bata habang umaandar ang fan; huwag gumamit ng extension cord; huwag gumamit ng sira o hindi gumaganang fan; at tiyaking may gumaganang mga smoke detector sa buong kabahayan.
- Magtabi ng mga ekstrang filter at palitan ang filter kapag mukhang marumi na ito o nagsisimulang maglabas ng amoy-usok. Sa may umusok, maaaring kailangang palitan ang mga filter kada ilang linggo o araw.
- Pinakaepektibo siguro ang mga DIY air cleaner sa isang maliit na silid kung saan ka gumugugol ng maraming oras, tulad ng isang silid-tulugan.
Kung magpasya kang bumili ng high-efficiency HVAC filter para pataasin ang pagsasala, pumili ng isa na may MERV 13 rating, o kasintaas ng rating ng kayang tanggapin ng iyong system fan at filter slot. Maaaring kailanganin mong kumonsulta sa isang propesyonal na HVAC technician para matukoy ang pinakamahusay na filter na gagana nang husto para sa system mo.
Makakahanap ka ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga portable air cleaner at HVAC filter sa Indoor Air Filtration fact sheet at Gabay ng EPA sa mga Air Cleaner sa Bahay. Ang EPA ay nagsasagawa rin ng Pagsasaliksik tungkol sa mga DIY Air Cleaner para Mabawasan ang Usok ng Wildfire sa Loob ng Bahay; ang webpage sa pag-aaral ay nagbibigay ng iba pang impormasyon tungkol sa filtration option na ito.
Alamin kung paano isaayos ang iyong HVAC system o air conditioner para maiwasan ang usok
Magandang ideya ring maging pamilyar sa iyong HVAC system o air conditioner system, kung mayroon ka, para maisaayos mong mapalabas ang usok.
- Kung mayroon kang central HVAC system, alamin kung humihigop ito ng sariwang hangin. Kung humihigop ito, alamin kung paano ito isara o ilagay ang system sa recirculate mode. Tiyakin na ang HVAC filter ay nasa magandang kundisyon, akmang-akma sa filter slot, at pinalitan ayon sa rekomendasyon ng manufacturer, Isiping magpa-upgrade sa isang MERV 13 o mas mataas pa ang rating na filter kung kakayanin ito ng system mo.
- Kung mayroon kang evaporative cooler, iwasang gamitin ito sa mauusok na kundisyon dahil maaaring mas maraming usok ang makapasok sa loob dahil dito. Isaalang-alang ang iba pang mga opsyon sa pagpapalamig tulad ng mga fan o window air conditioner.
- Kung mayroon kang window air conditioner, alamin kung paano isara ang outdoor air damper. Kung hindi mo maisara ang damper, isiping maghanda ng iba pang mga opsyon sa pagpapalamig tulad ng fan. Tiyakin na dikit na dikit ang air conditioner sa bintana hangga’t maaari.
- Kung mayroon kang portable air conditioner na may iisang hose, na karaniwang nakalabas sa isang bintana, huwag itong gamitin kapag mausok dahil maaaring makapasok sa loob ang mas maraming usok dahil dito. Isaalang-alang ang iba pang mga opsyon sa pagpapalamig tulad ng fan o window air conditioner. Kung mayroon kang portable air conditioner na may dalawang hose, tiyakin na dikit na dikit ang window vent kit sa bintana hangga’t maaari.
Isiping bumili ng mga N95 respirator mask
Dapat mo ring isiping magtabi ng supply ng mga N95 respirator mask. Kadalasa’y mabibili mo ang mga mask na ito sa mga hardware store o botika. Ang fact sheet na Protektahan ang Iyong Baga mula sa Usok o Abo ng Wildfire at ang infographic na ito ay makakatulong sa iyo sa pagpili ng tamang mask at isuot ito nang epektibo.
Ano ang Magagawa Ko Kapag May Mausok na Wildfire para Mabawasan ang Pagkalantad ng Pamilya Ko sa Usok sa Loob ng Bahay?
Kapag mausok ang mga wildfire, mayroon kang mga bagay na magagawa, sa loob at sa labas, para mabawasan ang pagkalantad ng iyong pamilya sa usok. Ang pagbabawas sa pagkalantad sa usok ay mahalaga para sa kalusugan ng lahat — lalo na sa mga bata, matatanda, at mga taong may sakit sa puso at baga. Ang fact sheet na Bawasan ang Iyong Pagkalantad sa Usok ay inilalarawan kung ano ang magagawa mo.
Kung pinapayuhan ka ng mga lokal na opisyal na manatili sa loob ng bahay, gawin ang mga hakbang na ito sa loob ng bahay mo para mabawasan ang iyong pagkalantad sa usok:
- Panatilihing sarado ang mga bintana at pinto.
- Gumamit ng mga fan at air conditioning para manatiling maginhawa. Kung hindi ka makapanatiling maginhawa, humanap ng kanlungan sa ibang lugar.
- Bawasan ang usok na pumapasok sa bahay mo.
- Kung mayroon kang HVAC system na humihigop ng sariwang hangin, i-set ang system sa recirculate mode, o isara ang outdoor intake damper.
- Kung mayroon kang evaporative cooler, iwasang gamitin ito maliban kung may heat emergency dahil maaaring makapasok ang mas maraming usok dahil dito. Kung kailangan mong gumamit ng evaporative cooler, samantalahin ang mga pagkakataon na gumaganda ang kalidad ng hangin sa labas, kahit pansamantala, para buksan ang mga bintana at pahanginan ang bahay.
- Kung mayroon kang window air conditioner, isara ang outdoor air damper. Kung hindi mo maisara ang damper, huwag gamitin ang window air conditioner. Tiyakin na dikit na dikit ang air conditioner sa bintana hangga’t maaari.
- Kung mayroon kang portable air conditioner na may iisang hose, na karaniwang nakalabas sa isang bintana, huwag itong gamitin kapag mausok dahil maaaring makapasok ang mas maraming usok dahil dito. Kung mayroon kang portable air conditioner na may dalawang hose, tiyakin na dikit na dikit ang window vent kit sa bintana hangga’t maaari.
- Gumamit ng portable air cleaner o high-efficiency filter para alisin ang mga pinong particle mula sa hangin.
- Kung gumagamit ka ng portable air cleaner, paandarin ito nang madalas hangga’t maaari sa pinakamataas na fan speed.
- Kung hindi ka makakuha ng portable air cleaner, maaari mong piliing gamitin ang isang DIY air cleaner bilang pansamantalang alternatibo. Paandarin ito nang madalas hangga’t maaari. Tingnan ang box sa itaas para sa Mga Tip – Kung Pipiliin Mong Gumamit ng DIY Air Cleaner[SA1] .
- Kung mayroon kang HVAC system na may naka-install na high-efficiency filter, paandarin ang fan ng system nang madalas hangga’t maaari para maalis ang mga particle habang hindi maganda ang kalidad ng hangin.
- Iwasan ang mga aktibidad na lumilikha ng maraming pinong particle sa loob ng bahay, kabilang na ang:
- Paghitit ng sigarilyo.
- Paggamit ng gas, propane o mga lutuang de-kahoy at mga pugon.
- Pag-spray ng mga produktong aerosol.
- Pagpiprito o pag-iihaw ng pagkain.
- Pagsisindi ng mga kandila o insenso.
- Pag-vacuum, maliban kung gumamit ka ng vacuum na may HEPA filter.
- Iwasan ang mabigat na aktibidad kapag mausok para mabawasan ang dami ng usok na nasisinghot mo.
- Gumawa ng malinis na silid. Panoorin sa video ng EPA naEXIT EPA WEBSITE kung paano magset-up ng malinis na silid sa bahay.
- Magkaroon ng supply ng mga N95 respirator at alamin kung paano gamitin ang mga iyon.
- Buksan ang mga bintana o ang fresh air intake sa iyong HVAC system para pahanginan ang bahay mo kapag gumanda na ang kalidad ng hangin, kahit pansamantala.
Ano ang Magagawa Ko Pagkatapos ng Isang Mausok na Wildfire para Protektahan ang Pamilya Ko mula sa Abo sa Loob ng Bahay?
Kapag nawala na ang usok, maaaring kailanganin mong linisin ang abo o iba pang mga basurang naiwan ng sunog. Ang fact sheet na Protektahan ang Iyong Sarili mula sa Abo ay inilalarawan kung paano mo mapoprotektahan ang sarili mo at ang iyong pamilya at maiiwasang matangay ng hangin ang abo papasok sa bahay habang naglilinis.
Ang mga bata, matatanda, at mga taong may sakit sa puso o baga, tulad ng hika, ay hindi dapat sumali sa paglilinis. Ang paglilinis ay maaaring maglantad sa iyo sa abo at iba pang mga produkto ng sunog na maaaring makairita sa iyong mga mata, ilong, o balat at magsanhi ng pag-ubo at iba pang epekto sa kalusugan.
Larawang-guhit ng isang lalaking nakasuot ng angkop na pananamit para linisin ang abo pagkatapos ng isang wildfire.
Magsuot ng guwantes, pang-itaas na mahaba ang manggas, mahabang pantalon, sapatos at medyas para maiwasang madikit ang balat sa abo. Magsuot ng N95 respirator para protektahan ang iyong mga baga sa pagsinghot ng abo. Magpalit ka ng sapatos at damit bago mo lisanin ang lugar na nililinis para maiwasang madala ang abo sa labas ng nililinisan, sa iyong sasakyan, o sa iba pang mga lugar. Para maiwasang madala ang abo sa loob ng malilinis na lugar, gumamit ng mga doormat at regular na linisin ang mga ito. Maghubad ng sapatos sa loob ng bahay kapag maaari.
Ang abong naiwan sa mga ibabaw sa loob at labas ng bahay ay maaaring masinghot kung matangay ito ng hangin habang naglilinis ka. Iwasang mahalo o masala ang abo hangga’t maaari. Iwasang kumilos na masisipa pataas sa hangin ang mga particle ng abo, tulad ng pagwawalis habang tuyo ang abo. Bago walisin ang matitigas na ibabaw sa loob at labas ng bahay, wisikan ng tubig ang mga ito para hindi liparin ng hangin ang alikabok. Sundan ng paglalampaso habang basa. Gumamit ng mamasa-masang basahan o basang panglampaso sa medyo maaalikabok na lugar. Kapag binasa mo ang abo, gumamit ng kaunting tubig hangga’t maaari. Kung pipiliin mong i-vacuum ang mga ibabaw na maalikabok, gumamit ng high-efficiency particulate air (HEPA)-type vacuum.
Maaari mong isiping linisin ang iyong mga air duct pagkatapos ng isang sunog, ngunit inirerekomenda ng EPA na linisin lamang ang mga air duct kung kinakailangan. Halimbawa, dapat mong isiping linisin ang mga duct kung makita mo na barado ang iyong mga duct sa sobrang dami ng alikabok at basura at/o mga particle na aktwal na inilabas sa bahay mo mula sa mga supply register. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa paglilinis ng air duct, kabilang na ang pagpili ng service provider, tingnan sa Dapat Mo bang Ipalinis ang mga Air Duct sa Bahay Mo?
Karagdagang Resources sa Ingles
- Video ng EPA Kung Paano Gumawa ng Malinis na Silid sa BahayEXIT EPA WEBSITE
- Ang Smoke-Ready Toolbox ng EPA para sa mga Wildfire
- Usok ng Wildfire: Isang Gabay para sa mga Opisyal ng Pampublikong Kalusugan (2019)
- ASHRAE Planning Framework para Protektahan ang mga Nag-ookupa sa Gusaling Pangkalakalan mula sa Usok Kapag May WildfireEXIT EPA WEBSITE
- Ang Wildfire Study ng EPA para sa Advance Science Partnerships for Indoor Reductions of Smoke Exposures (ASPIRE)
- Pagsasaliksik tungkol sa mga DIY Air Cleaner para Mabawasan ang Usok ng Wildfire sa Loob ng Bahay
- Kasalukuyang mga Kundisyon ng Sunog sa AirNow
- Pahina ng EPA tungkol sa mga Wildfire
- Pahina ng CDC tungkol sa mga Wildfire
- Pahina ng Ready.gov tungkol sa mga Wildfire
- Pahina ng EPA para sa mga Kalamidad na Dulot ng Kalikasan
- Mga Emergency at IAQ
[SA1]Link to box