Nakipag-usap si Administrator Wheeler ng EPA sa Mga Retailer at Ikatlong Panig na Marketplace Platforms para Talakayin ang Mga Hakbang para Protektahan ang mga American Consumer mula sa Mapanlinlang na Claim ng Coronavirus Disinfectant
WASHINGTON (Abril 3, 2020) — Kaninang umaga, ang U.S. Environmental Protection Agency (EPA) Administrator na si Andrew Wheeler ay nag-host sa isang interactive na tawag sa telepono sa mga retailer sa Estados Unids at mga ikatlong panig na marketplace plaforms para talakayin ang mga impostor na disinfectant product at iyong mga nakalilinlang na claim na mabisa laban sa novel coronavirus, SARS-CoV-2, ang sanhi ng COVID-19. Sa pamamagitan ng mga tip, reklamo, at pananaliksik, napag-aalaman ng ahensya ang availability ng nasabing mga produkto na mina-market nang walang batayang katibayan at posibleng mapanganib na mga claim ng proteksyon laban sa coronavirus at nakalista sa tulong ng retail community para maiwasan na makarating sa market ang mga produktong ito.
“Wala nang mas tataas pa na priyoridad sa Trump Administration kung hindi ang pagpoprotekta sa kalusugan at kaligtasan ng mga American, “ sabi ni EPA Administrator Adrew Wheeler. “Ang aming talakayan kaninang umaga ay parehong nakapagbibigay impormasyon at produktibo, at nagkakaisa, masigasig kaming magtatrabaho para matiyak na ang mga consumer ay may access sa naaprubahan ng EPA at verified na mga surface disinfectant na produkto; mga produkto na alam naming mabisa laban sa novel coronavirus. Kami ay may pananagutan na gawin ang aming parte para magkaloob sa mga American na impormasyon na kailangan nila para protektahan ang kanilang mga pamilya.”
“Tinitiyak na ang lahat ng mga American ay may access sa ligtas at mabisang mga disinfectant na produkto para magawa na “ma-flat ang curve” ng COVID-19 na isang pangunahing priyoridad para sa mga nangungunang retailer,” sabi ni Michael Hanson, Senior Executive Vice President, Public Affairs, Retails Industry Leaders Association. “Ang mga miyembro ng RILA ay may matatag na mga compliance program na nakatakda at malapit na nakikipagtrabaho sa mga pinagkakatiwalaang supplier para matiyak na ang lahat ng mga produkto na binebenta nila ay nakakatugon o higit pa sa lahat ng mga naaangkop na pamantayang pangkaligtasan ng Estados Unidos at mga legal na kahilingan nito. Ipinagmamalaki ng RILA na maging kapartner ang EPA para mapalawak ang kamalayan ng consumer sa walang mga katibayan at labag sa batas na claim sa COVID. Ang mga walang pakundangan kung tama o mali na mga nagpapanggap ay hindi dapat na pahintulutan na lokohin ang publiko ng America habang may krisis, at handa na ang mga nangungunang retailer na makipagtrabaho kasama ang EPA para bigyang linaw ang mga di totoong claim.”
“Ang retail industry ay masigasig na nagtatrabaho para bantayan at pahintuin iyong mga nagtatangka na makinabang sa pandemic na ito sa pamamagitan ng pagbebenta ng mapanlinlang na mga disinfectant na produkto,” sabi ni David French, Senior Vice President para sa Government Relations for the National Retail Federation. “Hinihiling batay sa isyu na ito ang sama-samang pagsisikap para protektahan ang mga consumer at retailer, na ang dahilan kung bakit ang retail industriy ay malapit na nagtatrabaho kasama ang EPA para maalis ang mga mapanlinlang na produkto mula sa marketplace sa lalong madaling panahon.”
“Napakalahaga para sa amin na mapanatili ang tiwala ng customer sa mga produktong binebenta namin sa tindahan mismo at online sa Walmart.com, lalo na sa mga walang katiyakan na panahong ito kapag ang mga customer ay naka-focus sa pagpipili para makatulong na mapanatiling ligtas ang kanilang mga pamilya at komunidad,” sabi ni Lance Lanciault, Walmart Senior Vice President at eCommerce Chief Ethics and Compliance Officer.“Ang tiwala ng customer ay ang pangunahing dahilan na may mahihigpit kaming patakaran sa pamamahala ng mga produkto na maaaring ibenta sa Walmart.com at kami ay nagde-develop ng marketplace seller at item na patakaran na binibigyan ng pananagutan ang mga ikatlong panig na seller na magbenta lang ng mga disinfecting na produkto na nakakatugon sa mga hinihiling na patnubay ng EPA.”
“Malugod naming tinatanggap ang pagtutulungan at patuloy na pagbabantay nina Adminstrator Wheeler at ng EPA sa area na ito, sabi ni Carletta Ooton, Vice President, Safety, Sustainability, Security & Compliance sa Amazon. “Hinihiling ng amazon mula sa mga seller na magbigay ng wastong impormasyon sa mga detalyadong pahina at kami ay may nakatakdang mga proseso para proactive na maharang ang mga di wastong claim tungkol sa COVID-19. Kami ay nakapag-develop rin ng mga tiyak na tools para sa COVID-19 na 24/7 gumagana at nasa-scan ng anumang hindi totoong claim na maaaring nakaligtaan ng aming paunang paghaharang. Sama-sama, ang ating mga pagsisikap ay nakaharang at nakapagtanggal ng higit sa 6.5 milyong mga produkto at ganap naming sinusuportahan ang mga pagsisikap ng EPA, DOJ, at iba pang mga pederal na kapartner para maparusahan ang mga nagpapanggap."
“Ang aming priyoridad sa eBay ay nananatiling ang pagtitiyak sa kaligtasan ng aming mga customer at empleyado sa buong mundo. Mahigpit kaming nagbabantay sa coronavirus (COVID-19) pandemic at may naisagawang malalaking mga hakbang para maharang o mabilis na maalis ang mga item mula sa aming marketplace na naturing na hindi ligtas, may hindi totoong claim sa kalusugan o lumalabag sa aming price gouging na patakaran,” sabi ni Mike Carson, Director, Global Policy and Regulatory Management sa eBay. “Sumasang-ayon kami sa mga ikinababahala ng EPA sa pagpoprotekta sa mga consumer at patuloy kaming makikipagtulungan sa mahalagang isyu na ito.”
Batay sa mga isyu, mga reklamo, at pananliksik, ang ahensya ay nakakkilala ng mga produkto na hindi dumaan sa matatag na proseso sa pagrerehistro ng EPA sa ilalim ng Federal Insecticide, Fungicide, and Rodenticide Act (FIFRA) at hindi legal na binebenta sa Estados Unidos. Ang mga di nakarehistro at ilegal na produkto na ito ay nagpapahayag na ang mga ito ay anti-viral, antibacterial, disinfectant, sterilizing, o sanitizing na mga katangian. Ang pagrerehistro sa EPA ay isang mahalagang proseso na tinitiyak na ang mga produkto ay gumagana tulad nang pag-aangkin nito at ang mga user ay pinagkakalooban ng mga instruksyon na, kapag sinunod, nakakatamo ng mga nilalayon na function, hal. disinfection, habang iniiwasan ang di makatuwirang salungat na konsekuwensya sa kalusugan at sa kapaligiran.
Inirerehistro lang ng EPA ang mga produkto na napapatunayang nakakapatay sa novel coronavirus sa mga surface. Ang mga di nakarehistrong produkto ay maaaring di mabisa sa pag-aalis ng virus o sa pagbabawas sa pagkalat ng virus at dili kaya’y makasama sa kalusugan ng consumer. Ang mga consumer ay dapat na sumangguni sa “List N” para sa mga disinfectant na nakareshitro sa EPA na natiyak na ligtas at mabisa laban sa novel coronavirus.
At tinalakay rin sa pag-usap sa telepono ang mga pagsisikap ng EPA para makatrabaho ang mga retailer at mga ikatlong panig na marketplace upang matiyak na ang mga ligtas, mabisa at naaprubahang disinfectant na produkto lang ang available na ibenta sa publiko sa Estados Unidos. Ang EPA ay nakikipag-ayos rin sa U.S. Department of Justice at iba pang mga pederal na kapartner para gamitin ang ganap na kapangyarihan ng batas laban doon sa mga nagbebenta ng mapanlinlang o di nakarehistrong mga produkto.
Ang sumusunod ay isang listahan ng ilan sa mga di nakarehistrong produkto na nakilala. Karaniwang ipinapatupad ng EPA ang FIFRA sa pamamagitan ng mga stop-sale order at mga penalty action na awtorisado sa ilalim ng Act. Hindi makakapagbigay ng komento ang ahensya sa anumang mga patuloy na isinasagawang imbestigasyon, pero nagbibigay ito ng impormasyon sa ibaba para matiyak na hangga’t maaari, ang mga American ay may impormasyon para matulungan sila na protektahan ang kanilang sarili mula sa COVID-19.
· Mga Di Nakarehistrong disinfectant tablet
· “Epidemic prevention Chlorinating Tablets Disinfectant Chlorine Tablets Swimming Pool Instant Disinfection Tablets Chlorine Dioxide Effervescent Tablet Chlorine Disinfectant 100g Cozy apposite Fun Suit”
· “The Flu Virus Buster, CLO2 Disinfection Sticker, Removable sterilize air purifier, Anti COVID-19, Stop Coronavirus disease infection /Influenza Buster Disinfectant 1 Box / 10 Tablets”
· Mga Di Nakarehistrong disinfectant spray
· “Fullene silver antibacterial solution/24 Hour Defense Hand Sanitizer Disinfectant Spray Against Corona Virus COVID- 19 Kills 99.99% Of Germs Bacteria 24 Hours Of Lasting Protection Alcohol Free 50ml (1.7 fl. oz)”
· Mga Di Nakarehistrong disinfectant wipes
· “99.9% Sterilization Wipes/16/32/48/64/96pcs Sterilization Rate of 99% Disinfection Wet Wipes and Paper Napkin Prevention of Coronavirus”
Karagdagang Impormasyon: www.epa.gov/coronavirus
Kasaysayan
Sa ilalim ng Federal Insecticide, Fungicide and Rodenticide Act (FIFRA), ang mga produktong nag-aangkin na pumapatay o pinapatalsik ang mikrobyo o mga virus sa mga surface ay makokonsiderang mga pesticide at kailangang marehistro ng EPA bago ipamahagi o ibenta. Ang mga pag-aangkin sa pampublikong kalusugan ay magagawa lang sa mga produktong wastong nasubukan at nakarehistro sa EPA. Hindi irerehistro ng ahensya ang isang pesticide hangga't napagpasyahan na wala itong madudulot na di makatuwirang panganib kapag ginamit ayon sa mga direksyon sa etiketa. Ang mga produktong hindi nakarehistro sa EPA ay maaaring makasama sa kalusugan ng tao, maaaring magdulot ng salungat na epekto sa kalusugan, at maaaring hindi epektibo laban sa pagkalat ng mga virus o iba pang mga pathogen.