Ipinalabas ng EPA ang Equity Action Plan Kasama ang Mga Pederal na Kapartner para Mapasulong ang Environmental Justice at Civil Rights
WASHINGTON (Abril 14, 2022) – Ngayong araw, ang Environmental Protection Agency ay naglathala ng Equity Action Plan para maisakatuparan ang Executive Order (EO) 13985 ni Presidente Biden na inuutusan ang EPA, kasama ang iba pang mga pederal na agency, para matasa kung ang mga nahihirapang komunidad at ang mga miyembro nito ay humaharap sa mga systemic barrier sa pag-access ng mga benepisyo at oportunidad na mula sa pederal na gobyerno. Ang Equity Action Plan na ito ay kritikal na parte ng pagsisikap ng EPA para maalis ang mga nasabing balakid at mapasulong ang pagkakapantay-pantay ng lahat at hustisya sa ating mga pagsisikap para matiyak na may malinis na tubig, hangin, at lupain para sa lahat ng mga komunidad.
“Ang Equity Action Plan na ito ay isang matinding halimbawa kung paano nakikipagtrabaho ang EPA sa ating pederal na kapartner para maihatid ang mga pananagutang naitakda ng Biden-Harris Administration,” sinabi ni EPA Administrator Michael S. Regan. “Ang EPA ay nagtatrabaho para maprotektahan ang kalusugan ng tao at ng kapaligiran na para sa lahat ng mga tao sa ating bansa ng higit na sa 50 taon. Magagawa lamang namin ito sa pamamagitan ng pagkikilala sa mga salungat na epekto ng mga patakaran at regulasyon na batay sa kasaysayan ay naisantabi na ang maraming mga komunidad at nagpasimula sa pag-aalis ng mga balakid na masyado nang matagal na nahaharap.”
Ang Equity Action Plan ay umaalinsunod sa Fiscal Year (FY) 2022-2026 EPA Strategic Plan, ng Agency na ipinahayag noong Marso 28, 2022. Ang panghuling Strategic Plan ng EPA, sa unang pagkakataon, ay isang di pa nagagawang may estratehiyang layunin para mapasulong ang environmental justic at civil rights.
Ang Equity Action Plan ay bumabalangkas sa anim na mga priyoridad na kilos:
- Bumuo ng isang komprehensibong framework para makonsidera ang pinagsama-samang epekto ng mahahalagang desisyon ng EPA at maipatupad ang framework na iyon sa mga progama at aktibidad ng EPA.
- Mapalakas ang mga di masyado napaglilingkurang mga komunidad para maibigay ang kanilang karanasan sa EPA at mapatupad ang mga proyekto na pinamumunuan ng komunidad.
- Mabuo ang internal na kakayahan ng EPA para maibahagi ang mga di masyado napaglilingkurang mga komunidad at mapatupad ang isang malinaw at may pananagutan na mga proseso at kumilos batay sa input ng mga komunidad.
- Mapalakas ang panlabas na civil rights compliance program at matiyak na ang civil rights ay isang responsibilidad ng buong ahensya.
- Isama ang pagiging bahagi ng science (ng komunidad) sa pananaliksik at pagpapatupad ng programa ng EPA.
- Gawing mas patas ang pagtatalaga at pagkokontrata ng EPA.
Ang mga priyoridad na kilos na ito ay bumubuo ng isang kritikal na pundasyon kung saan makakapagtatag ng makabuluhang pagsali ng lahat kasama na ang mga di masyado napaglilingkurang komunidad; makatamo ng mas patas at makatarungang resulta, kasama na ang pagbabawas sa polusyon sa mga komunidad na may mga ikinababahala sa environmental justice; at makapaghatid ng iba pang mga nakikitang benepisyo sa mga di masyado napaglilingkurang mga komunidad.