Nagpalabas ang EPA ng Draft na Strategic Plan para Matugunan ang Pagbabago sa Klima at Advance Environmental Justice and Equity
WASHINGTON – Ngayong araw, ang Environmental Protection Agency ay nagpahayag na ang Draft na Fiscal Year (FY) 2022-2026 EPA Strategic Plan nito ay nalathala sa Federal Register at available para mabigyang komento ng publiko hanggang Nobyembre 12, 2021. Sinasabi ng Strategic Plan at nagbibigay ito ng balangkas para matamo ang mga EPA at ang mga priyoridad ng Biden-Harris Administration sa susunod na apat na taon.
Sa unang pagkakataon, ang plano ng EPA ay may kasamang strategic na goal na nakatuon lang sa pagtutugon ng pagbabago sa klima, at pati na rin ang hindi pa nagagawang strategic goal para mapasulong ang environmental justice at mga karapatan sibil. Ang pundasyon ng plano ay isang binagong pananagutan sa tatlong mga prinsipyo na detalyado ng unang Administrator ng EPA, si William Ruckelhaus - sundin ang science, sundin ang batas, at maging malinaw, habang nagdadagdag ng ikaapat na prinsipyo: pasulungin ang hustisya at pagkakapantay-pantay ng lahat.
“Lubos kong ipinagmamalaki ang Strategic Plan na itinatakda ng EPA ngayon, na naitatag sa mga prinsipyo na gumagabay sa atin mula sa unang araw, at pinahusay ng isang bagong focus sa hustisya at pagkakapantay-pantay ng lahat, “ sinabi ni EPA Administrator na si Michael S. Regan. “Ang EPA ay nasa gitna ng agenda ng administration ni Biden-Harris para sa pagbabago sa klima at environmental jutice, at kaya’t lubos na mahalaga ito sa direksyon na patutunguhan ng ating estratehiya para mapakita ang mga priyoridad at mga value.”
Ibinabalangkas ng Strategic Plan ang maraming mga layunin at ang apat na mga cross-agency na estratehiya. Binibigyang detalye ng mga estratehiya ang mahahalagang paraan ng pagtatrabaho para matamo ang mga kalalabasan ng misyon ng EPA — itinatatak ang scientific integrity sa pagdedesisyon; ikinokonsidera ang environmental health protection ng mga bata; pagpapasulong sa organizational excellence at pagkakapantay-pantay sa lugar ng trabaho; at pagpapalakas sa mga partnership, kasama na ang maaga at makabuluhang pagkakasangkot sa mga Tribe at estado at sa on-the-ground na pagiging bahagi sa mga komunidad.
Kasama rin sa plan ang maraming mga hakbang na makakatulong sa ahensya na mabantayan ang progreso at matiyak ang pag-aako ng pananagutan para matamo ang mga priyoridad nito na protektahan ang kalusugan ng mga tao at ng kapaligiran. Pinapalakas ng plan ang trabaho na napasimulan na sa ilalim ng mga Executive Order 13985 ni President Biden: Advancing Racial Equity and Support for Underserved Communities Through the Federal Government at 14008: Paghaharap sa Climate Crisis sa Sariling Tahanan at Sa Ibang Bansa.
Ang final plan ay ipapalabas sa Pebrero kasama ng Budget sa FY 2023 ng EPA.
Ang mga karagdagang impormasyon sa Mga Strategic Plan ng EPA ay matatagpuan sa: https://www.epa.gov/planandbudget/strategicplan